Quantcast
Channel: SARI-SARING SINENG PINOY
Viewing all articles
Browse latest Browse all 210

Suicide, Murder At Infection Sa ISANG GABI 3 BABAE

$
0
0
Isang Gabi 3 Babae
May tatlong kasaysayan ang pelikulang Isang Gabi 3 Babae (Regal Films, Inc.) na nagtatapos sa kamatayan ng bidang babae sa pamamagitan ng suicide, murder at infection. Ang Akin Ka ay istorya ni Carmela (Cristina Gonzales) na nagsimula sa pagtakas sa suicide pact nila ng kasintahang si Dindo (Lorenzo Mara). Ngunit nakonsensiya siya nang madama ang labis na pagmamahal sa kanya ng kasintahan sa madalas na pagmumulto nito. Maging ang kakambal na si Alvin ay hindi nagdulot sa kanya ng kahalintulad na pagmamahal. Nag-overdose ng pills si Carmela at sa huli ay ipinagpatuloy ang pangakong pagpapakamatay. Ang papel ni Tetchie Agbayani bilang Isabel sa Kaliwete  na parausan ng sobenistang asawang si Dante (Manjo del Mundo) ay nauwi sa pakikipagseks niya sa ibang lalaki hanggang sa natuklasan ito ng kanyang asawa. Nagrambulan ang dalawang lalaki sa talon, pagkatapos ay natagpuan na lamang na nakalutang ang walang buhay na katawan ni Isabel. Sa Sayaw, Neneng, Sayaw, sinubukang sulutin ni Eddie Boy (Gabby Concepcion), anak ng may-ari ng karibal na klab ang star dancer na si Shella (Ruffa Gutierrez). Napaniwala ng lalaki ang babae sa kanyang pag-ibig at kahandaang magpakasal. Pero napikot si Eddie Boy at nakunan si Shella dahil sa pagtakbo patungong simbahan para masilip ang kasal nito kay Chato (Snooky Serna). Tumakas sa ospital ang babae, nagsayaw hanggang mamatay. Naimpeksiyon si Shella dahil hindi nagparaspa.

Ang resolusyong kamatayan ay isang parametrong nagkahon sa anumang pagtatangka ng babaeng maigpawan ang maka-lalaking kaayusang panlipunan. Ang Isang Gabi 3 Babae ay representasyon ng mga lalaking nagdidirihe ng babae. Sa pamamagitan ng kamatayan, nanatili itong kaayusang naglalagay sa babae bilang pasibong tao na hindi buo kung wala ang aktibong lalaki. Sino nga ba naman ang hindi magpapakamatay sa gabi-gabing koersiyon ng nagmumultong kasintahan? Nagtapos ang unang kasaysayan sa preliminaryong solusyong iminungkahi ni Dindo, na dahil malapit na siyang mabulag, idinamay niya si Carmela sa suicide pact para mapanatili ang wagas na pagmamahalan. Si Isabel sa ikalawang kasaysayan, sa gabi-gabing pagpaparaos ng kati at init ni Dante ay naghanap ng ibang lalaki. Samakatuwid, pumaloob ang babae sa patriyarkang solusyong kung hindi kuntento sa asawa, maghanap ng iba. At kapag preskripsyong ito naman ang sinunod ng babae, tiyak ang kanyang kahahantungan sa kamay ng asawa. Si Shella, sa ikatlong kasaysayan, kapag wala ang prince charming ay wala na ring katuturan ang buhay. Pero ang katotohanan, ang kamatayang tulad nito ay dagdag na pasanin ng babae para umalinsunod sa kaayusang panlipunan. Dalawa lamang ang maaring gawin ng babae, tanggapin ang kanyang pagiging inferior o di kaya'y kamatayan.

Akin Ka
Direksiyon: Mel Chionglo
Hango Sa Nobelang "Ang Sumpaan Natin" Ni Elena M. Patron Mula Sa Movie Special Komiks
Dulang Pampelikula: Ricky Lee
Sinematograpiya: Ricardo Jacinto
Musika: Demet Velasquez
Editing: Edmund 'Bot' Jarlego
Disenyo: Edgar Martin Littaua

Kaliwete
Direksiyon: Elwood Perez
Dulang Pampelikula: Ishko Lopez
Sinematograpiya: Johnny Araojo
Musika: Demet Velasquez
Editing: Edmund 'Bot' Jarlego
Disenyo: Ulay Tantoco

Sayaw, Neneng, Sayaw
Dulang Pampelikula At Direksiyon: Mauro Gia Samonte
Sinematograpiya: Gener Buenaseda
Musika: Demet Velasquez
Editing: Edmund 'Bot' Jarlego
Disenyo: Danny Evangelista
Produksiyon: Regal Films, Inc.
Release Date: June 6, 1991




Viewing all articles
Browse latest Browse all 210

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan