Quantcast
Channel: SARI-SARING SINENG PINOY
Viewing all articles
Browse latest Browse all 210

LIKE FATHER, LIKE SON...Mana Sa Ama

$
0
0
Like Father, Like Son
Ang pelikulang Like Father, Like Son (Viva Films) ay tungkol sa dalawang pamilyang magkaaway na mortal na binubuo ng pamilya Batubalani at pamilya Batungbakal-Gatbonton. Sa Batubalani ay naroon sina Lola Epang (Chichay), ang amang si Totoy (Leroy Salvador), inang si Cherry (Gina Pareño) at anak na si Nanoy (Herbert Bautista). Sa kabilang pamilya naman ay naroon sina Lola Toyang Batungbakal (Dely Atay-Atayan), ang amang si Albert Gatbonton (Nestor de Villa), ang maybahay nitong si Emily (Nida Blanca) at anak na si Jonjon (Niño Muhlach). Dati nang magkaaway ang mga pamilya nila dahil pinagbibintangan ni Lola Epang na inagaw ni Lola Toyang ang kanyang nobyo noong araw. Si Totoy ay nanligaw rin kay Emily ngunit si Albert ang nakatuluyan nito. Magkaiba ang karakter at prinsipyo sa buhay ng dalawang ama. Si Totoy ay naniniwalang hindi kailangang mag-aral ng isang tao upang mapabuti ang kanyang buhay. Kailangan lang daw ay husay sa abildad. Dahil sa kanyang panlalamang sa kapwa ay madalas na mapahamak si Totoy. Si Albert naman ay naniniwalang kailangan ng tao ay magbasa ng iba't-ibang libro at mag-aral ng mabuti upang guminhawa ang buhay nito. Madalas silang mag-iringan ni Emily dahil halos mapabayaan ni Albert ang paghahanapbuhay dahil sa kakakalikot nito ng kanyang mga libro at computer. Pati ang anak na si Jonjon ay laging binubuyo nito sa walang tigil na pag-aaral kaya laging naa-accelerate ito sa paaralang kanyang pinapasukan hanggang sa maging kaklase niya si Nanoy. Noong una'y hindi magkasundo ang dalawa at madalas silang naghahamunan ng away sa labas. Naging magkaibigan lamang sila nang simulang pakopyahin ni Jonjon si Nanoy sa tuwing may exam sila.

Si Nanoy na ang naging tagapagtanggol ni Jonjon at lagi na silang magkasama sa lakaran. Sa isang pizza parlor, nakilala nila sina Angela (Lea Salonga) na nakursunadahan ni Jonjon at si Marcie (Cheska Iñigo) naman ang natipuhan ni Nanoy. Naging malapit din ang mga dalaginding sa kanila. Sa isang pagsusulit, natuklasan ang pangongopya ni Nanoy kay Jonjon at kapwa sila nasuspinde. Galit na galit ang kanilang mga magulang. Hindi raw sila dapat naging magkaibigan dahil magkaaway na mortal ang kanilang mga pamilya. Dahil dito'y ipinasya ni Jonjon na maglayas. Sinamahan siya ni Nanoy at nanirahan sila sa ilalim ng tulay. Puspusan ang paghahanap sa dalawa ng kanilang mga magulang at sa tulong nina Angela at Marcie, natunton ng mga ito ang kanilang tinutuluyan. Nagkaliwanagan ang lahat at ang dating magkakaaway ay nagkabati na. Kung ikukumpara sa ibang komedi ni Mike Relon Makiling na lipos ng tolilet humor, malinis-linis ang humor dito sa Like Father, Like Son. Tinalakay ng pelikula ang ilang maling kostumbre tungkol sa relasyon ng magulang sa anak. Natural sa ganito kalaking cast na may lulutang at masasapawan. Sa lahat, walang alinlangang si Herbert Bautista ang umangat ng husto. Mahusay ang estilo ng kanyang pagpapatawa  dahil hindi trying hard. Nakakatawa siya sa tagpong pinapatay niya ang mga lamok sa paligid at sa kaka-karate ay tinamaan ang sarili at agad nakatulog. Unsightly na ang hitsura ni Niño Muhlach dito at hindi na masasabing cute. Samantala, parang supporting lamang sa pelikula ang adult cast maliban kay Leroy Salvador na binigyan ng mga sarili niyang eksena tulad ng paninilip niya sa guest star na si Beth Bautista at pagkakahuli sa kanya sa presinto dahil sa drug pushing. Si Nestor ay binigyan ng imbensiyong robot na hindi nagamit ng husto at naging prop lamang ito. Nasayang din sina Nida Blanca at Gina Pareño, lalo na itong huli na talagang walang ginawa gayong napakahusay niya sa komedi. Kapwa namang hindi simpatika sina Lea Salonga at Cheska Iñigo, lalo na ang accents nilang nakaka-turn off. Pareho ring hindi nagamit ng husto sina Chichay at Dely Atay-Atayan. Hindi na bago ang pormulang ginamit dahil ganito rin ang pinakabuod ng istorya sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday (1983) na tampok din sina Nida at Nestor. Ang ikinaiba lang ng Like Father, Like Son ay kasama sa pelikula si Herbert Bautista.

Dulang Pampelikula At Direksiyon: Mike Relon Makiling
Sinematograpiya: Christopher Jones Lobo
Musika: Louie Ocampo
Editing: Ike Jarlego, Jr.
Disenyo: Arthur Santamaria
Produksiyon: Viva Films
Release Date: August 29, 1985
Like Father, Like Son theme song performed by Herbert Bautista, Niño Muhlach, Lea Salonga, Cheska Iñigo and Gerard Salonga

Viewing all articles
Browse latest Browse all 210

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan