Quantcast
Channel: SARI-SARING SINENG PINOY
Viewing all articles
Browse latest Browse all 222

Ang Talinghaga Ng Eden Sa VIRGIN PEOPLE

$
0
0
Virgin People
Marahil ay hindi makatarungan kay Celso Ad Castillo na iladlad pa ang kahunghangang inasal ng kanyang mga tauhan sa Virgin People (Topaz Film Productions). Tunay namang hindi araw-araw makasususmpong si Castillo ng pagkakataong makapagdirehe ng isang pelikula na pasadya para sa isang pandaigdigang film festival. Sa pagitan ng mga pelikulang makabuluhan, kailangan ng mga taga-pelikulang maghanap-buhay. Ang pelikulang Virgin People ay hanap-buhay. May sariling baluktot na lohika ang takbo ng mga pangyayari sa Virgin People, at marahil iyon ay hindi na dapat pasinagan ng katwiran. Sapat nang sabihing ang kompanyang gumawa ng pelikula ay may bold stars na naging usap-usapan kaakibat ng mga kontrobersyang kanilang kinasangkutan. Sina Janet Bordon, Myrna Castillo at Pepsi Paloma ay ipinagpagawa ng isang proyekto at ang pagsasapelikula nito ay ipinagkatiwala sa dekalibreng direktor. Nagsimula ang kuwento sa pagbisita ni Cho Igna (Joonee Gamboa) sa magkakapatid na sina Ikang (Bordon), Aning (Castillo) at Talya (Paloma) sa bundok kung saan sila naninirahan kasama ng kanilang amang kung tawagin ay Kalaro. Nang matuklaw ng ahas ang ama habang nangangahoy na naging sanhi ng pagkamatay nito, inako ni Cho Igna ang pangangalaga sa tatlong dalaga. Matapos mailibing, nangakong magbabalik ang matanda para sila'y sunduin upang sa bayan manirahan. Pagkaraan ang ilang araw, dumating ang isang binatang sakay ng kariton ni Cho Igna. Matipuno, madalas ay nakahubad-barong may nagbabagang titig ngunit may pagka-utal kung magsalita. Parang batubalani si Isaac (Ernie Garcia) na humigop sa pagnanasa ng tatlong magkakapatid. Upang maitulak ang kuwento sa pagwawakas, sina Ikang, Aning at Isaac ay nakarating sa kani-kanilang malagim na wakas.

Ano naman kaya ang kahulugan ng lahat ng ito? Winakasan ni Castillo ang kanyang pelikula sa larawan ni Talya na naglilibot sa bayan. Lumigaya kaya siya? Paano siya mabubuhay doon sa panahong napakahirap humanap ng empleyo? Mga katanungan itong iniiwan ng Virgin People. Sa sistema ng pamumuhunan sa paggawa ng pelikula sa Pilipinas, hindi natin maiaalis kay Celso Ad Castillo na gumawa ng mga pelikulang komersiyal. Subalit nararapat lamang marahil na ipaalala sa kanya na tungkulin niyang igalang ang katalinuhan ng mga manonood. Paghamak sa katalinuhan, halimbawa, ang pagpapalaganap sa kabulaanang ang mga babae ay laging hayok sa seks o dalahira. Ginamit ng Virgin People ang talinghaga ng Eden (kamusmusan at kalapastanganan) upang himayin ang pagdadalaga ng mga inosenteng babae na naging biktima ng kamalayang patriyarkal. Nakadikit  din sa isyu ng erotisismo ang pag-iimahe sa babae bilang seks objek, gayundin ang pagsasalarawan sa mahihirap na kaanyuan na ang mga ito'y wala nang inisip kundi seks at kapag hindi nila maidaos ang libog ay naitutulak sila sa pagkitil ng buhay. Hindi komersiyalismo sa pelikula ang dapat tutulan. Ang dapat nating tutulan ay ang ekonomikong kahingian ng sine bilang industriyang nangangalakal ng representasyon ng buhay-Pilipino kabilang ang, at lalo na ang isyu ng seks.

Dulang Pampelikula At Direksiyon: Celso Ad Castillo
Sinematograpiya: Gani F. Sioson
Musika: Rey Ramos
Editing: Abelardo Hulleza
Produksiyon: Topaz Film Productions
Release Date: January 27, 1983

Para kay Celso Ad Castillo Setyembre 12, 1943 - Nobyembre 26, 2012

Viewing all articles
Browse latest Browse all 222

Trending Articles


Long Mejia may sex scandal


KANIIG


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Magkakamag-anak rinatrat, 1 patay


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Luha Ng Buwaya


GUMIRI


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Ang Pananaw sa Kasaysayan ng Pilipinas ng mga Kapatiran at Kilusang...


Katrina Dovey, payag maging sex worker ang jowa!


PITHAYA


Hindi dinukot: Misis ng CamSur gov lumayas dahil sa sex video


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


‘OPLAN GALUGAD’


Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino


LIMATIK


KANTUTAN


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


4-anyos anak minolestiya ng tatay