Quantcast
Channel: SARI-SARING SINENG PINOY
Viewing all articles
Browse latest Browse all 210

Kuwento At Kontradiksyon Ng Pag-Ibig Sa SANA BUKAS PA ANG KAHAPON

$
0
0
Sana Bukas Pa Ang Kahapon
Sa sineng drama, melodrama ang nananaig na sentimyento. Ang nangingibabaw na emosyon sa melodrama ay kalungkutan. Sa pormulasyon ng pelikulang Sana Bukas Pa Ang Kahapon (Viva Films, Inc.), haharapin nina Ana (Hilda Koronel), Millie (Lorna Tolentino) at Candy (Maria Isabel Lopez) ang iba't-ibang pasakit sa buhay. Mga babae silang may tiwala sa sarili at mulat sa kalakaran ng mundo. Tatalakayin sa drama ang kuwento at kontradiksyon sa pag-ibig ng tatlong magkakaibigan. Pagkatapos ng samot-saring trahedya, makakaranas sila, sa pagtatapos ng pelikula ng redempsiyon at pagkakamit sa kani-kanilang mga hangarin. Haharapin ni Millie ang bukas sa piling ng nobyong si Ramon (Jay Ilagan) at tandisang itatakwil ni Ana si Roy (Dindo Fernando) sa yugto pa namang nagkaroon na ito ng pagninilay-nilay. Ang iyakan ay nilangkapan ng mga sampalan at sigawan. Linear ang progresyon ng katauhan ng mga karakter at sitwasyon subalit nagawa ng pelikulang magpasok ng bagong sensibilidad. Madamdamin ang pilosopikong paglalahad nito tungkol sa pag-ibig, ang pagbabahagi ng sarili  nang buo ang pagkatao. Hindi maikakailang nagtagumpay si Romy Suzara sa paggamit ng anyong ito upang palutangin nang may higit na katotohanan ang sitwasyon ng mga tauhan sa mas malalim na pagdalumat sa humanidad ng mga karakter at makasining na paghawak sa mga elemento ng pelikula.

Binigo ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang mga ekspektasyon sa isang tipikal na melodrama. Napagtagumpayan nito ang matalinong paghimay sa iba't-ibang tensiyon ng emosyong kinaharap ng mga karakter, tiyak ang paglulugar sa mga tauhan, ang banghay ng istorya ay nakatutok hindi lamang sa mga pangyayari kundi higit na tumatalunton sa pagbibigay-humanidad sa katuturan ng pagkatao. Nagamit ang ibang elemento ng pelikula hindi lamang bilang sangkap kundi daluyan sa pagpapakapal ng tekstura ng kuwento at katauhan ng mga karakter at walang idealistang paghahandog ng wakas. Si Maria Isabel Lopez  ay nabigyan ng mahaba-habang papel na nakapagpalitaw sa kanyang madamdamin ngunit matimping pagbibigay-buhay sa tauhan. Sensitibo ngunit kontrolado ang pagganap nina Hilda Koronel at Lorna Tolentino. Tulad sa iba pang pelikulang pinamahalaan ni Romy Suzara, ang pagganap ng kast ay di-mapipintasan subalit nararapat banggitin sina Dindo Fernando at Jay Ilagan. Lumikha ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ng panibagong posibilidad, sa kabila ng animo'y pagkiling nito sa pormula. Bagamat puno ng iyakan at sampalan, nagtuturo ito ng alternatibong ruta tungo sa transpormasyong hinahawan sa pamamagitan ng paglinang sa damdamin, sentimyento at emosyon o ang mga aspetong personal na matatagpuan sa hibla ng pang-araw-araw na buhay. Sa pagdanas nina Ana, Millie at Candy sa mga pribadong pasakit at dalamhati, ipinakita ng mga tauhan ang kanilang di-tuwirang pakikibaka sa mga mapaniil na estruktura at praktika.

Direksiyon: Romy Suzara
Dulang Pampelikula: Tony Calvento At Baby R. Nebrida
Sinematograpiya: Pablo Bautista
Musika: George Canseco
Editing: Ike Jarlego, Jr.
Disenyo: Benjie de Guzman
Produksiyon: Viva Films, Inc.
Release Date: April 28, 1983

Sana Bukas Pa Ang Kahapon theme song performed by Pilita Corrales


Viewing all articles
Browse latest Browse all 210

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan